Tagisan ng Ginintuang Kaalaman sa Kasaysayan ng Bacoor

Naglalayong sukatin ang kaalaman ng mga batang Bacooreo tungkol sa kasasayan ng lungsod, antigin ang kanilang pagmamahal sa kultura at tradisyon, at hikayatin pa ang mga guro na ituro ang mga ito, naglunsad ang Dibisyon ng Bacoor City sa pakikipagtulungan ng Bacoor Historical Society at Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ng Taunang Paligsahan sa Ginintuang Kaalaman sa Kasaysayan ng Bacoor sa Revilla Hall, Bacoor Government Center, Bacoor City noong ika-23 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Iniuwi ni Achilles R. Naputo ng Progressive Elementary School ang pangunahing tropeo para sa antas-elementarya. Sinanay siya ng kanyang guro na si Ms. Jane C. Amador sa ilalim ng patnubay ng punong guro, Ms. Marife D. Domasian.


Natamo naman ni James Christian A. Maravilla ng Queensrow Elementary School ang ikalawang pwesto, ni Shanaya Kharys C. Martin ng Likha Elementary School ang ikatlo, ni Enrique B. Enriquez ng Mabolo Elementary School ang ikaapat at ni Bendyk Mackenzie Petallo ng Molino Elementary School ang ikalimang pwesto.

Samantala, taga Salinas-annex naman ng Bacoor National High School ang nag-uwi ng tropeo sa antas sekondarya. Siya si Seanlee Timothy L. Espesor. Sina Ms. Annaliza T. Villarin at Ms. Mylene C. Cuevas naman ang tagapagsanay at punong-guro.



Nasungkit naman ni Kenneth Hular ng Eastern Bacoor National High School ang ikalawang pwesto, ni Christian Angelo V. Paraiso ng Cavite School of Life ang ikatlong pwesto, ni Mark David D. Emberso ng Tabing Dagat Annex ang ikaapat at ni Daren Jake D. Dysuanco ang ikalimang pwesto. (Galileo L. Go, Education Program Supervisor)